Unang itinatag ang Tagalog at pinagtibay sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937 upang maging wikang pambansa na itinatag sa Panahon ng Komonwelt ni Pangulong Manuel L. Quezon sa kadahilanang madami ang gumagamit ng wikang ito sa Pilipinas lalo sa mga mauunlad na lugar at upang magkaunawaan ang mga mamamayan na may magkakaibang lahi, wika at kultura. Sumunod ang pagtatag ng Pilipino bilang wikang pambansa na nakasaad sa Kautusang Pangkagawaran Bld. 7, s. 1959. Ito ay isang hakbang tungo sa lalong pagsasabansa ng wika na dati ay iniuugnay lamang sa mga Tagalog. Sinasabing ang Pilipino ang mas pinaunlad na bersyon ng Tagalog kung saan mas naging inklusibo ito. Panghuli ay ang pagtatag ng Filipino na hanggang ngayon ito ay ang ating wikang pambansa na nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo 14, Seksiyon 6. Ang Filipino ay isang bukas na wika na maaaring pagyabungin at pagyamanin, kung saan ang “F” ay isang hiram na titik na kumakatawan sa pag tanggap ng ambag mula sa iba pang katutubong wika sa Pilipinas maging sa mga dayuhang wika para sa lalo nitong ikauunlad.